Ang puso ay parang flower vase. Durugin mo man, pwede mo pa rin gawan ng paraan para bumalik sa kung ano ang itsura niya. Yun nga lang, di na tulad ng dati kasi marami ng lamat at mabilis na ulit madurog.
Parang buhay, CHOICE naman natin lahat ng nararanasan natin. Kasi hindi naman mangyayari yan kung hindi rin natin pinili. Kung nasasaktan man tayo kasi nag pakatanga sa maling tao na hindi ka naman minahal o kayang mahalin, ay choice parin natin un. Wala tayong magagawa kundi tanggapin na lang yun. Hindi man natin alam na dun pala pupunta ang sitwasyon pero wala naman tayong magagawa. Tao lang naman tayo, nag kakamali, nasasaktan, at nagpapaka tanga. Buhay natin to, tayo ang gumagawa ng mga desisyon sa kanya-kanyang buhay natin. Kaya dapat pinag iisipan mabuti ang bawat desisyon para di mag sisis sa huli. Wala tayong kakayahan ma hulaan ang mangyayari. Tanggapin na lang natin ang bawat pangyayari sa ating buhay. Yan ang niloob mg Diyos, siguro ay gusto lamang tayo turuan or paluin pero kahit na ganoon ay lubos pa rin niya tayong minamahal.
Tumatakbo ang buhay, lahat naman umiiyak, lahat nasasaktan, lahat nadurdurog. Pero ano ba ang mahalaga doon? Yung mensahe sa ating buhay, yung gusto ipaunawa ng DIyos, yung lesson na dapat natin matutunan para sa susunod hindi na tayo sobrang madudurog kasi alam na natin dahil sa karanasan. Masakit, nakakapang hina, nakakawalang ganang mabuhay, pero ganoon naman talaga. Tayo ang talo kapag basta na lamang tayo sumuko sa buhay. Tuloy lang buhay, kung ano ang mangyari ay tanggapin natin, makukuha rin natin ang kaligayahan na para sa atin. Ganoon naman talaga yun diba? Bago ka mag tagumpay, maraming pagsubok at pag hihirap ang mararanasan natin. Maraming luhang ilalabas, maraming hinagpis na mararanasan, maraming taong iiwan o mang iiwan pero mas tignan na lang natin sa mas positibo na paraan.
“No pain, no gain” nga diba? Kung may mawawala, may papalit naman na bago, at na sa atin na ulit kung paano palalaguin ang buhay.
Nag papakatanga? Ginagamit? Choice rin natin yan, pwede naman tayong lumayo o putulin ang koneksyon sa iba pero bakit di natin ginawa? Kasi choice rin natin na huwag, dahil naniniwala tayo na kaya natin, na umaasa pa rin tayo pero at the end, nasaktan nanaman na para bang nag pakatanga at nag papaka wasak. Pero ok lang yan, ginusto naman natin yan. Ganyan ang buhay, malupit. Pero na sa sa iyo na kung paano ito sasaya. Basta ang mahalagay ay natututo tayo sa mga hagupit ng buhay. Hindi man tayo ok ngayon pero di ibig sabihin pang habang buhay na. May kanya-kanyang pacing ang tao. At sa mga taong nakagawa ng sakit sa kanilang kapwa, ay mararanasan nyo rin ang sakit na yon, kasi nga umiikot lang ang mundo at mahal pa rin tayo ng Diyos, kumbaga siya ang Ama natin at pinapalo lamang tayo sa maling nagawa natin.
Lahat ng pangyayari sa mundo ay pinili natin mangyari. Alin lang ang hindi natin pinili? Ay nung ipinanganak tayo. Pero while growing, buhay mo yan, hawak mo na yan, at ikaw na ang direktor nyan. Parang sa pag-aaral, pag pinili mo mag sumikap ng husto, makakakuha ka ng mataas na grado pero pag nag pabaya ka syempre pabaya rin ang grado, ganoon ang buhay at problema. Hindi tayo mag kaka problema ng ganito kung una pa lang ay hindi natin pinili ito. Pero lagi nating tatandaan na kahit anong piliin natin ay may mga pagsubok yan. Yan kasi ang way para tayo ay tumatag at lumakas. Ang PROBLEMA hindi nawawala yan, nasosolusyonan lang pero andyan palagi yan. Dapat lang tayo matuto kung papaano natin itutuloy ang buhay ng na andyan iyan.
Mahirap, masakit, nakakapagod at para bang ayaw mo na ituloy ang buhay mo, pero wala tayong magagawa kasi may plano para sa atin ang Diyos. Hiram lang ang buhay na ito, at sooner or later kukunin rin niya ANYTIME at ANYWHERE. Kaya ienjoy na lang natin ang buhay. Hindi nag work ang plan A? dun tayo sa plan B! Ayaw pa rin? Plan C naman.. Marami tayong options para lumigaya, kailangan lang natin matuto at makuntento.
We may not be the creator of our lives but we are the director of how it will last. – Kima Rodriguez