May mga nagagawa tayong epekto ng makabagong systema ngayon. Imbis na naglalaro at nakikipag bonding tayo sa mga kasama natin sa bahay, computer at cellphone na lang ang kaharap sa maghapon. Imbis na mas nagiging close tayo sa mga magulang natin, napapalayo tayo dahil sa kagagamit ng mga social media. Imbis na dapat natuturuan natin ang mga kapatid/nakakabata sa atin ng mga tamang gawain, tayo pa ang nagiging modelo nila sa pag babad sa internet.
Bata pa lang pero naka tablet na. Imbis na naglalaro sa labas ng tumbang preso o nakikipag habulan at nag lalaro ng langit lupa, o nag tatawanan dahil sa touch body out, o nagiging professional sa pag d-drawing ng bahay dahil sa piko, ano na? Iba na. Bakit ganito na? Masyadong busy kakahanap ng mga love life at nag rereklamo kasi single, bakit? Yan lang ba ang pinagkukuhanan ng pag mamahal?
Paano ang mga magulang mo? Nasabihan mo ba sila ngayon ng “I love you”? na pinapa ulit-ulit mo sa mga kaibigan o kasintahan mo? Minsan akala na all is well. Pero hindi natin alam, ang dami na palang araw ang nasasayang, at nababalewala. Iba parin talaga ang noon. Pero pwede pang mabago ang ngayon.