HANGGANG KAILAN AKO MAWAWALA SA MUNDO?
Lagi kong tanong sa aking sarili.
Wala akong karapatan sisihin ang ibang tao dahil sa pinag dadaanan ko. Choice ko naman ang umasa kaya kahit nasasaktan ako, nadudurog, nababaliw at nagmumukang tanga ay choice ko pa rin to. Pinili ko to. Wala eh, bumigay ako, marupok ako, tanga, at uto-uto. Halos nawala ang sarili ko, yung tipong gumigising ako ng umaga ng malungkot, walang ganang kumain, walang ganang mabuhay, walang ganang makipag usap. walang ganang tumayo at harapin ang buhay at nag papakalunod ako sa kalungkutan. Hindi ako nag rereklamo, sa katunayan ay tanggap ko naman, ang sakit-sakit nga lang na parang gusto ko na wakasan ang buhay ko.
Wala naman ako sinisisi kundi ang sarili ko lang, hanggang ngayon hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko. Hindi ko maamin at mapanindigan kung ano talaga ang gusto ko. Masyado akong mahina para sa mundo. Iniisip ko nga, bakit pa ako nag eexist? Sana di na lang ako pinanganak sa mundo. May mundo pa rin naman kahit wala ako, bakit ba ako nabuhay. Sana imbis na mamatay yung mga deserving na mabuhay ay ibinigay na lang sana sakanila ang buhay ko. Alam kong mas magagamit nila at mapapakinabangan ang bawat hininga sa mundo. Pero, iniisip ko na lang ay baka may dahilan pa rin kung bakit ako nabubuhay. Siguro ay may plano parin si God para sa akin, siya lang naman ang nakakaalam ng mga mangyayari. Iniisip ko na lang na, “exciting” mabuhay kasi wala talagang clue kung ano talaga ang mga pwedeng mangyari sa’yo.
Naiinis ako sa sarili ko, na sa point ako ng buhay ko na nawawala ako. Hindi ko na kilala ang sarili ko. Gusto ko na lang lumayo at mawala sa mundo. Pero sabi nga ng kaibigan ko, “hindi mo pwede takbuhan ang problema, ang problema ay palaging nandyan, dapat matuto kang harapin to. Dapat mag karoon ka ng lakas ng loob at panindigan ito.” Pero hanggang kailan ko matataggap to? Kailan ko mahahanap ang sarili ko? Kailan ko matatanggap na mahirap talagang mabuhay sa mundo? Iba-iba ang pananaw ng mga tao at iba-iba rin ang mga pinag dadaanan, pero ako ba? Masyado ba talaga akong mahina sa mundo? Sana ba hindi na lang ako nag exist? Hanggang kailan ako mag papakalunod sa kalungkutan? Kailan ba ako makakabangon at magiging matigas at malakas? Kailan darating ang panahon na manhid na ako sa lahat ng sakit at malakas at matatag sa lahat ng problema?
Kung may mga pagkakamali man akong nagawa, hindi ko naman magagawa kung hindi ko rin pinahintulutan o ginustong gawin. Kailangan ko lang tanggapin sa sarili ko at harapin ang totoo. Tao lang naman ako nag kakamali rin. Kung tutuusin, mas marami pang pinag dadaanan na mabigat ang ibang tao kaysa sa akin, kaya wala ako karapatan mag reklamo para sa mga mabababaw na bagay. Dapat iwasan ko na ang mag-isip ng kung ano-anong bagay na makakagulo lalo sa aking isipan. Dapat maging handa ako harapin kung ano man ang dumating sa akin. Maging matatag at may paninindigan. Kailan ba ako magigising na mahirap talaga mabuhay sa mundo? Kailan ko matatanggap sa sarili kong wala talagang mag mamahal sa akin ng totoo? Hanggang kailan ako mawawala sa mundo? I need a HUG. 🙁