Walang magulang ang papayag na mapahamak ang kanilang anak.
Walang magulang ang pababayaan ang kanilang anak.
Walang magulang na nagpalaki ng anak para lang bastusin ng iba.
Walang magulang na hindi lalaban para sa anak.
Walang magulang na kayang tiisin ang anak.
Walang magulang na hindi mahal ang kanilang anak.
Walang magulang na hindi ipaglalaban ang kanilang anak.
Walang magulang ang papayag na masira ang buhay ng kanilang anak.
Sobrang bait ng mga magulang ko. Walang bisyo ang daddy ko at maayos ang pag papalaki sa amin ng mommy ko. Hindi ko lang din kayang makita silang lumuluha at nasasaktan. Mahal na mahal ko sila. Mabilis ang panahon, pwedeng pag gising mo wala na sila sa aking tabi. Kaya nahihirapan ako. Namimiss ko sila. Kailangan ko ang pamilya ko. Mahal na mahal ko sila. Sila ang tunay kong pamilya na hindi ako ipapahamak at pababayaan. Yan ang tunay na pamilya.